Tagalog

Maligayang pagdating sa online paaralan ni Karense, ang NoTe Norwegian Teaching – na may mga kurso sa internet para sa lahat ng antas ng wikang Noruwego. Ang aming mga kurso ay ihahanda ka sa mga pagsusulit sa wikang Noruwego at maging sa Bergenstest, at ito ay aprubado ng UDI at ng Kompetanse Norge. Ang mga kursong online ay isasagawa ng mga gurong may sapat na kakayahan, na ang sariling wika ay Noruwego at may mahabang karanasan sa pagtuturo ng wikang Noruwego sa iba’t ibang paraan. 

Fleksibilidad sa kursong online

Ang aming mga kurso ay base sa internet at samakatuwid ay napakafleksibol o walang tiyak na limitasyon. Maaari mong pag-aaralan kung kailan at saan mo gusto! Ang mga kurso ay angkop para sa mga tao sa lahat ng mga sitwasyon sa buhay, maging abala ka at nagtatrabaho nang marami, nasa bahay o nag-aaral.

Mayroon kaming mga kurso sa mga antas ng A1, A2, B1, B2 at C1. Maaari mong piliin ang mga kurso, ikaw man ay baguhan o mayroon nang mataas na antas at nais mong higit pang uminam. Iminumungkahi namin ang 2-3 oras ng pag-aaral bawat araw upang masulit ang mga kurso. 

Mayroon din kaming mga kurso na pangkalusugan at pang-kindergarten ayon sa wikang Noruwego para sa mga nagtatrabaho sa sektor ng kalusugan at sa mga kindergarten. Bilang karagdagan, mayroon kaming pagsasanay sa pakikipag-usap para sa mga nais mapabuti ang pagsasalita sa wikang Noruwego. Para sa mga taong kukuha ng kurso sa agham panlipunan na may 50 oras, iniaalok namin ito sa mga wika na Noruwego, Arabe at Ingles.   

Mahuhusay na mga guro at dekalidad na mga kurso

Sinimulan ang online na paaralan noong 2015. Ginamit ni Karense ang kanyang karanasan mula sa higit sa 15 taon bilang isang guro sa wikang Noruwego upang lumikha ng mga kursong patungkol sa nasabing wika na nagbibigay ng magandang resulta. Ang online na paaralan ay may isang buong koponan ng mga kwalipikadong guro sa wikang Noruwego na gumagabay sa aming mga mag-aaral. Kasabay ng mga online na kurso, maaari mong samantalahin ang aming mga libreng pamuhatan kasama ang mga bidyo sa YouTube, mga podcast, mga voice message, Instagram account at grupo sa Facebook.

Magbasa nang higit pa tungkol sa aming iba’t ibang mga tsanel dito.

Mga kurso na may personal na patnubay

Ang mga online na kurso sa Noruwego ay naglalaman ng pagbasa, pakikinig, mga takdang pagsusulat, at pag-rekord o pagtatala ng mga pahayag. Ang mga takdang pagsusulat na isinumite ay binabasa, winawasto at sinusuri ng aming mga guro. Makakakuha ka ng mga mungkahi kung paano mo pag-iibayuhin sa susunod. Magbasa nang higit pa tungkol sa bawat kurso upang makita kung anu-ano ang mga nakapaloob dito o kaya’y magpadala sa amin ng email.

Tingnan ang aming mga kurso dito.

Mayroon ring kasama sa mga kurso na 1 oras na pakikipag-usap sa guro bawat buwan. Ang mga oras na ito ay maaaring gamitin para sa pagsasanay sa pakikipagtalastasan, kung saan maaari mong mapabuti ang iyong pagbigkas at maging mas mahusay sa pagsasalita ng wikang Noruwego, at hindi lamang sa pagsusulat at pagbabasa. Maaari mo ring gamitin ang oras upang ipasuri ang gramatika na hindi ka sigurado o kung halimbawa naman, ay paghahanda para sa pakikipanayam para makakuha ng trabaho.

Matapos ang oras ng pakikipagusap sa guro ay makakatanggap ka ng isang dokumento tungkol sa inyong pag-uusap kung saan nakasaad ang mga bagay na iyong natutunan, mga salitang kailangan mong mabihasa at mga link sa mga kapaki-pakinabang na materyales para sa iyo. 

Mga kurso para sa lahat ng antas ng wikang Ingles

Nag-aalok din ang NoTe ng mga kurso sa wikang Ingles sa lahat ng antas, pati na rin ang wikang Ingles sa larangan ng pagnenegosyo. Mayroon kaming mga online na kurso na tumatagal mula 1-6 na buwan, at hanggang sa antas ng B1. Kung nais mo ng isang mas mataas na antas pagkatapos makumpleto ang kurso, maaari kang magpareserba ng mga oras sa iyong guro.

Ang mga kurso sa Ingles ay hindi lamang angkop para sa mga nais matuto ng wikang Ingles, kundi pati na rin sa mga kailangang mapagbuti ang wika para sa pagkuha ng pagsusulit ng TOEFL o IELTS upang makapasok sa unibersidad sa ibang bansa. Ang aming mga guro sa wikang Ingles ay mula sa Estados Unidos at nakatira sa Noruwega.

Kilalanin si Karense

Sa aming YouTube tsanel, maaari kang matuto mula kay Karense at makakuha ng halimbawa ng aming mga kurso na online. Panoorin ang bidyo na ito upang makita kung paano isinasagawa ang aming mga online na kurso:

Magparehistro na

Kami ay nananabik na makita ang mga bagong mag-aaral sa aming mga kurso. Malugod naming tinatanggap ang lahat, anuman ang antas mo at saan ka man patungo. Ang aming layunin ay tulungan kang maging mas mahusay sa wikang Noruwego. 

Kontakt

+47 400 48 599
post@note.no